"Nakilala ko siya sa isang club, kakagaling ko lang sa breakup nun pero okay na ako ngayon. Tapos nakilala ko siya, minsan chinachat ko siya nag rereply naman din siya. Ewan ko ba ang sweet ko daw tapos wag daw ako maging ganun kasi baka ma fall siya e sadyang ganun talaga ako. May time na nagkasakit siya pinapaalalahanan ko siya na uminom ng gamot at tubig. Bago siya matulog maglagay siya ng isang baso ng tubig sa tabi ng bed niya para pag nagising siya di na siya bababa para nasa tabi niya na lang. Tapos simula nun sinabi niya sakin na magmula na sinabi ko yun lagi na siya nagdadala ng tubig sa kwarto niya para siguro di na ako masyado magsabi, haha. Pag kausap ko siya inaamin ko masaya ako. Isang beses may nangaaway sa kanya sa campus sinabi niya sakin kung nakita ko daw ba yun or kilala ko ba kung sino man yun. Tapos ngayon nakita ko na nag post yun sinasabi na "B" daw siya ayoko na banggitin haha. Edi ako naman pinagtatanggol ko syempre friend ko e, sino ba naman hahayaan friend mong ginaganun. Tapos sabi ko sa kanya "Ako bahala sayo" tapos ayun. Nalaman ko na naglalaro pala siya ng LoL. Isang beses inaya ko siya maglaro nag enjoy ako dun sa game namin parehas yata baog score namin nun HAHA. So ayun, pagtapos nun di ko na siya masyado nakakausap kasi sobrang busy sa school tapos parang medyo cold siya sakin di ko na din masyado kinausap baka kasi istorbo ako. Sa totoo lang di ko na alam sasabihin ko. Naisip ko lang baka kasi na fall siya sakin di ko talaga alam haha, baka sabihin pa fall ako e ganun lang naman talaga ako. Ayun lang naman hahaha.

)"