-Ice_Queen-
New Member
Ang pag-ibig sa isang tao hindi naman kasi minamadali. Hindi din naman kasi natin ito masasabi ng ganun ganun lang. Kung baga ang pagibig nga dumadating sa hindi natin alam na panahon at oras. Basta basta na lang kasi ito mararamdaman. Pero ang kailangan mo lang eh, ang maghintay. Ang maghintay sa totoong nararamdaman mo. Hindi purkit na mahal mo siya e, gogora ka na sa pagdiskarte. eh paano kung may mahal pala siya? may karelasyon? mabusted ka? masaktan? ano na gagawin mo? diba? kasi syempre Oo hindi naman mapipigilan ang pagmamahal mo o pagtingin mo sa isang tao at alam ko na mahirap na itago at ipretend na parang wala lang pero wag basta basta hayaan mo muna na sa tamang panahon. Kilalanin mo muna siya ng maigi. maging magkaibigan muna kayo, kapag wala pa sa panahon na mag settle kayo para sa isang relasyon learn to wait. At wag magsawang maghintay. Be patient. dyan masusukat ang pagmamahal. Kung ikaw naman yung tipong hinihintay siya, ang taong nakalaan para sayo ihanda mo ang sarili mo para sakanya at maging da best person ka kapag andyan na siya sa buhay mo.
-G
-G
